The Patola Diaries


Tuesday, March 22, 2005
Kasal Sakal

Tinanong ako ng mga kasamahan ko sa trabaho kung ano ang target age kong magpakasal. Lingid sa kanilang kaalaman, ang kasal ay sadyang hindi para sa akin. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko inisip o nangarap na ikakasal ako sa Simbahan, suot-suot ang mamahaling gown na may trail na masmahaba pa sa 20 talampakan. Ni minsan ay hindi ko naisip na ako naman ang mangbabato ng bulaklak sa ere imbis na maging taga-salo ng bulaklak na ayaw ko namang saluhin.

Alam ko, lahat ng mga nanay ay may ganitong pangarap at iyon ay ang makita ang kanilang dalaginding na ikasal at magkapamilya. Mahilig ako sa mga bata. At marunong naman ako mag-alaga ng mga bata. Yun nga lang, hindi lang talaga para sa akin ang magdala ng bata sa aking sinapupunan.

Hindi ako magpapakasal o mag-aasawa dahil sa takot ako sa responsibilidad o sa tinatawag nilang commitment na kung saan ay kakaunti na lamang ang mayroong ganitong kakayahan. Bakit nga ba? Ito ay dahil sa hindi ko makita ang sarili ko na ang kinakasama ko ay isang Adan. Ni minsan sa buhay ko ay hindi pa ako nagkaroon ng kasintahang lalake. Kasintahang babae nagkaroon na. Ilang beses na. Nakakapagtaka nga dahil kung kapwa ko babae ay nagkakagusto sa akin.. ang lalake pa kaya?

Posted at 10:30 pm by patola
Speak up!  

Wednesday, March 09, 2005
Issue Tissue

Tama bang gawing issue ang pagbigay sakin ng One One ng isang kasamahan sa trabaho. Kung hindi mo alam ang one one... yun ay snow flakes. Kung hindi mo pa rin gets... ang payo ko sayo ay pumunta ka sa pinakamalapit na suking grocery (o tindahan) at tanungin kung san nakalagay yung One One.

Buti naman at namatay agad ang issue na iyon. Sadyang mabait lang talaga siya at mapagbigay. Nagpaturo lang naman ako sa kanya kung pano gamitin yung ganito ganyan tapos may merienda na ako agad. Wehehe!

Ang ginawa ko pagbalik ko, binigay ko yung isang One One sa isa pang kasamahan.

Posted at 07:59 pm by patola
Speak up!  

Sunday, March 06, 2005
At sa isang iglap... sila ay nagsulputan

Hala. Nagsulputan sila bigla. Ang isa kong dinidate dati na taga call center, tila nagpaparamdam. Pero. Hindi. Siguro negatibo ito sa paningin nyo pero nagsasabi lang ako ng totoo. Nawalan kasi kami ng communication. Napakalaking bagay sa akin ng constant communication para sa isang prospect na relasyon. At nakita ko na hindi siya magwowork out. Kaya tinigilan ko na.

Tapos. biglang susulpot naman ang kaibigan kong pinagtapatan ko. At dahil nagkaron siya ng komplikasyon sa love life... siyempre ayaw ko na din. Dahil ayaw ko ng komplikasyon. In short... dapat walang sabit. Mahirap na lalo na kung isang kaibigan pa ang involved. Nagparamdam kasi bigla nong nagdaang araw. Nagtext lang ng kamusta. Ako naman si kebs lang. Ang nangyari sa huli, ako na yung umiiwas sa kanya. Pero kung kailangan nya naman ng kausap andito naman ako para sa kanya eh. Tapos tumawag nong isang gabi. Gimik daw kami. Aaminin kong nakakatempt pumunta dahil tagal na kami hindi nagkikita. Pero maspinili kong samahan si MJ kagabi. Tandaan: MJ = Isang code name na sobrang obvious lalo na kung kilala niya ako at siyang siya ang nagbabasa mismo.

Buti naman ang bumawas bawas ang mga nangkukulit sa text. Medyo naiirita na rin ako kahit papaano.

Posted at 08:06 pm by patola
Speak up!  

Siya na lang ang gusto kong i-date

Dumating na ako sa point na napagod na ako sa phase na date lang ng date, go lang ng go sago pati gulaman. Nakakatawa, nakilala ko lang siya kagabi. Kagabi lang kami nagkasama. Pero hindi ko pa naman siya mahal. Gets nyo naman siguro ang ibig kong sabihin.

Ngayon lang ulit ako naka-meet ng kagaya nya. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain. Pero iba kasi yung dating ng kapag kasama mo ang isang tao, na tipong kahit yun pa lang ang unang beses na kayo'y nagkita, ay kapalagayang-loob mo kaagad. Kumbaga, komportable.

Yung nauna ko kasing dinate, medyo komplikado siyang tao. Mabait siya kung sa mabait. Pareho din kami ng mga interes (babae.. duh... obvious ba?... este pagbabasa pala dahil nga obvious na ang aking nabanggit). Pero basta, parang masyado siyang komplikado. Ganun lang. Pero naging okay naman kaming magkaibigan.

Yung date ko kagabi. Hindi ko alam kung matatawag siyang date dahil medyo naging mabilis ang mga pangyayari (kung narinig mo na ang salitang spontaneous... yun nga ang tinutumbok ng usapang ito). Tipong mapapadpad ako sa ganitong lugar. Tinanong nya kung anong oras ako andoon. Sabi ko ganito ganitech. But wait!!! Siyempre namatayan pa siya ng telepono nong tinawagan ko siya ulit dahil tinatanong ko kung asan na siya. Akala ko nga non di na kami magkikita dahil doon. Uuwi na sana ako sa bahay dahil mag-isa lang ako sa paborito kong tambayan. Pero kahit namatayan siya ng telepono, ay nagkita pa rin kami. Ganito lang yan mga marehhhh... "Kung na-empty batt, may charger naman" At ganun nga ang ginawa niya. Hehehe! Buti naman. Siyempre ako naman si antay. Hindi naman ako nainip. Kasama ko naman ang bespren kong hindi humihinga ngunit nakakapagbigay ng epekto sa baga. Alam nyo na siguro kung sino siya. Siya si Winston. Pero minsan, masgusto niyang tawagin siya sa pangalang Marlboro.

Basta masaya ako na kasama siya. Komportable agad ako na kasama siya. Ni hindi man lang ako nailang sa kanya. Minsan kasi kapag may bago akong nakikilala o kaya minsan ay may dinidate ako ay hindi ako komportable. Tipong komportable ako na hawakan ang kanyang kamay, at yakapin siya (walang halong kamanyakan toh I swear!-- okay iniisip nyo na defensive ako noh.. pero hindi ako defensive.. dinidetail ko lang.. hehe). Ngayon lang ako nakangiti ulit ng ganito. Yung nadarama ko talaga na masaya ako. Typical na kasi sa akin na makita akong nakangiti. Kapag hindi ako nakangiti, magtaka ka na. Baka cloned na ako na yung kaharap mo.

Galing siya sa break-up. Hindi rin naman ako nagmamadali eh. Tsaka haller! Kagabi lang kami nagkita noh at nakapag-usap talaga ng ilang seryosong usapan. Kelangan pa naming magkakilanlang mabuti (aba siyempre). Ako kasi ayoko na rin yung magbibreak dahil sa napakababaw na rason o kaya naman dahil sadyang mapaglaro lang sila.

Eto na muna. Abangan ang susunod na kabanata...

Posted at 07:34 pm by patola
Speak up!  

Monday, February 28, 2005
One Date at a Time

Isang linggo mapatapos ang Valentine's, may date na naman ako. Hehehe! Siyempre hindi yung ka-date ko noong February 15. Dahil hindi pwede yung ka-date ko non, eh nakakuha naman ako ng panibagong date. O ano. Iniisip nyo na naman na ang dami kong bellas. Whatta?!? hindi noh. Sobrang casual lang naman yung pagyaya ko doon sa recent na ka-date ko. Eh game siya sa gimik eh, eh di go. Hehe!

Maayos naman ang naging takbo. Nag-enjoy ako. Nag-enjoy din siya.

Nasiyahan naman siya sa mga kwento ko at napatawa ko pa (ito ang aking ultimate charismatic attribute--sana tama ang pinagsasabi ko dito). At ganun din naman siya.

Tsaka single naman ako. Eh ang hirap kasi pag ginawa mong exclusivity ang dating. Daig pa ang magkasintahan na nasa Open Relationship. Siguro kung may feelings na talaga ako, doon ko lang gagawing exclusive ang dating.

Wala naman masama di ba?

Posted at 11:34 pm by patola
your (2) cents worth  

Saturday, February 12, 2005
Balentayms Day

At siyempre, hinding hindi ako makakahabol sa darating na balentayms day! Haha!

Depende na lang yan kung may biglang sumipot. lolz.

Ganyan talaga buhay! Hehe!

Kaya kayo magdate na lang kayo sa balentayms day! Ako naman matutulog lang sa bahay!

Posted at 03:38 pm by patola
Speak up!  

Sunday, February 06, 2005
After 18 days

After 18 days..

Aba naman.. hindi ko akalaing bigla nya akong kakamustahin?

HUWAAAAT?!?!?!?!

Siyempre gulat ako.. nitong Biyernes lang ng umaga siya nagparamdam sa akin..

at siyempre pa lalo.. ehem ehem... hehe... gumanda ang umaga... at tila tuloy tuloy ang swerte ng araw ding iyon...

At siyempreng lalong lalo na... tinawagan niya ako kanina...

siyempre masaya na ako sa ganun... kaibigan ko siya eh. Sobrang namiss ko siya. Kulang na lang magkita kami. Pero okay yun.. kusa siyang tumawag..

=)

Posted at 02:50 am by patola
Speak up!  

Tuesday, January 25, 2005
Speechless

At hindi pa rin kami nag-uusap hanggang ngayon. Whew! Record breaking ito! One week and two days!

Pero nagtetext siya sa akin. Oh di ba. Alam ko ang iniisip nyo noh...


"At least tinitext ka"


Duh!!! Huwateverrrrr!!! Eh masgugustuhin ko pa na makatanggap ng isang simpleng text na Hi kaysa sa isang quote o kaya joke na hindi mo naman alam kung nakasend to all siya kaya ako nakakatanggap ng mensahe mula sa kanya. My Gawdddddd!!!

So itutuloy ko ang kwento. Nakatanggap ako ng quote/joke sa kanya last week. Noong Miyerkules yata yun. Pagkatapos naman ay nakatanggap ulit ako ng quote/joke noong Linggo. At isa na namang quote/joke kaning umaga. At kita mo nga naman ang pakakataon. Kelangan talaga na kapag siya ang nagtext tsaka lang ako magigising. Ganyan ba talaga kalakas ang powers ko? Hmmmmm.... Pagkatapos naman ay nakatanggap muli ako ng text mula sa kanya. Wow! Record Breaking na naman ito. Dalawa sa isang araw. Hah!

Hindi ko alam kung gusto nya lang sabihin sa pagpapadala ng quote/joke ay:


Hoy babaeng patola buhay pa ako!


Pero sa ngayon. Sige. Tiyaga lang. Tiis lang. Kung ayaw makipag-usap ng matino... Eh di huwag. Mahirap kapag pinilit. Ngayon, antay-antay lang.

Posted at 08:57 pm by patola
Speak up!  

Wednesday, January 19, 2005
Maibabalik ba ang kahapon?

"Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?"

Mga linya yan sa kantang Kanlungan ni Noel Cabangon. Maibabalik pa kaya ang dati naming samahan? Magkakatagpo ulit kaya ang aming landas? Kelan? Siguro ito na ang pinakamatinding pagsubok sa aming pagkakaibigan. Nananatili pa rin ako para sa kanya. Ano na kaya iniisip niya ngayon?

Haay... Hindi ko alam...

"Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?"

Tandang tanda ko pa noong una kaming magkita. Wala kaming ginawa kundi tumawa.

"Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?"

Bakit nga ba kailangan ng ganitong paglisan? Isang paglisan na walang paalam. Pero lahat nga ng bagay ay nangyayari dahil sa mga rason na minsan talaga ay hindi maipaliwanag. Nangyayari dahil kailangan. Nangyayari kasi kailangan may matutunan tayo.

"Ngayon ikaw ay nagbalik"

Kelan kaya mangyayari ito? Kelan manunumbalik ang dating samahan?

Posted at 02:44 am by patola
Speak up!  

Tuesday, January 18, 2005
Sad.

Malungkot ako ngayon. Parang baliwala lang yung pagkakaibigan namin. Ang sakit. Ayus lang. Kaya ko to. Kaya lang... sad.

Gusto kong umiyak, pero walang lumalabas na luha.

Sad.

Posted at 10:51 pm by patola
your (2) cents worth  


Next Page




• Tungkol kay Patola

Ako ay si Patola. 22 anyos. Ang mga paborito kong gawin ay magspot ng mga patolang katulad ko. Para ka lang naglalaro ng Spot the Difference sa diyaryo.


• DISCLAIMER

Ang mga ibang entry po dito ay pawang kathang isip lamang. Kung may mga pangyayaring sumwak sa karanasan nyo.. nagkataon lamang iyon at hindi sinasadya. Ang mga pangalang ginamit din dito ay kathang isip lamang at ang iba ay ginamitan ng mga code name para din protektahan ang kanilang pagkatao.
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30




Bilang ng araw na hindi pa kami naguusap
18 days




If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed